Subtitle: This is the first.. finally..
I've been meaning to put up my own blog for several weeks now. Wala lang; feeling ko kasi dito pwede ibuhos ang lahat - kasiyahan, kalungkutan, takot, excitement at kung anu-ano pa.
Ayoko naman na gumawa ng blog na sobrang seryoso, ayoko din naman na sobrang maloko. Kumbaga, balance lang, steady lang, he2..
Marami-rami din naman nilalaman ang aking utak at puso; maraming opinyon sa mga bagay na sa pang-araw-araw nakikita o nadidinig. Dito sa blog na ito siguro ko mailalabas ang aking pagiging opinionated at minsan makwento.
Nung mga nakakaraang linggo, ako ay nakabasa ng mga iba't-ibang blogs. Natuwa ako at namamangha sa pagkamalikhain ng mga taong iyon sa pagsusulat. Hindi po biru-biro ang magsulat. Kailangan nga yata talaga ay pinag-aralan mo sa isang unibersidad o ikaw ay isang gifted child talaga. Maaari kasing madaming laman ang utak mo pero hindi mo alam kung papaano ito isusulat at ipararating sa tao. Hindi ko naman po sinasabing nag-aral ako magsulat o isang gifted child, ang sa akin lang - subok! He2.. But nonetheless, those blogs have been my inspiration in putting up my own.
Medyo ganito nga yata ako. Medyo competitive. Lahat ng bagay ay gustong subukan at pagtagumpayan. Kadalasan hindi nagtatagumpay pero at least ni-try ko di ba?! He2.. Pero lahat naman ng bagay na aking naumpisahan ay patuloy ko pa rin namang ginagawa at sinisikap na paghusayan. Naalala ko tuloy ang isang katagang nakasulat sa gymnasium ng unibersidad namin na pinagtapusan ko. Hindi ko na nga lang maalala ang saktong nakasulat pero ganito iyon - it's not whether you win the game, it's how you played the game. Ayos! Sakto!
Hindi ko rin naman po diretsahang sinasabi na sports lang ang aking sinubukan. Katulad nga nito, ang pagsubok sa pagsusulat, sinubukan ko din ang pagsasayaw (na capital A-yaw sa akin), pagkanta (na patuloy pa rin ako), pag-drawing (na uber sa ayaw sa akin), et al. Maaaring hindi ko napagtagumpayan ang karamihan pero at least sinubukan ko. (Malay natin sa patuloy kong pagsisikap ay mapagtagumpayan ko na. He2.. Malay natin?!)
With that reason, I hope makapagsulat ako hindi man araw-araw ay maging regular sana. Sisikapin kong makasulat ng mga makabuluhan, nakakaaliw at kapupulutan ng aral na mga istorya halaw sa tunay na pangyayari o kathang-isip lang (He2..). I hope marami ang magbasa ng blog ko. Lalung-lalo na ito; kasi - this is the first (blog).. finally..
-------------------------
Ayun, welcome sa blogging kuya. Looking forward to more post.
ReplyDelete@desperate houseboy: thanks! neighbors talaga tayo dahil parehas tayong may "boy" sa pangalan..LOL
ReplyDeleteNung high school ako nagsimulang magsulat sa isang blog...at hindi ako galing sa isang malaking unibersidad noon. Masasabi kong mahina sa literatura ang institutsyon namin noon, kaya kaunti lang din ang alam ko sa pagsusulat.
ReplyDeleteBlog naman ito, isulat mo kung ano ang man ang laman ng isip mo. Pero maging maingat sa nilalathala. Iwasan ang mga mapanirang puri. hehe, dun kasi ako nagsimula nung hayskul...maguslat ng sama ng loob. haha! Dahil nasa tamang edad ka naman, tingin ko di ka naman ganun.
Magsulat ka lang ng magsulat. at syempre kasabay rin nito ang pagbabasa. Nakapagyayaman ng pagsusulat ang pagbabasa. Kamanghamangha diba? :)