Wednesday, May 25, 2011

Ang Inang [Part 1 of 3]

PAUNANG-SALITA: This is the 3rd piece that I've written prior to putting up this blogsite. This piece talks about a person that I hold close to my heart. In time of writing, this person was still with us, fighting for her life, survival. But sadly, on this time of posting, the person isn't with the family anymore. She's with our Creator..

Inang, we miss you..

I hope everybody enjoys this piece..

-------------------------

Harriet Beecher Stow: “Never give up, for that is just the place and time that the tide will turn.”

Naghanap ako kay Mr. Google kung ano ang magandang maging proverb (please read the sentence above) para sa kwento ko na ito. Pasensya na mga kababayan kung medyo magseseryoso ako sa ikatlong kwento ko. Alam ko medyo bitin ang ikalawa pero gusto ko talaga isingit ito:

“Aste! Aste!” yan ang tawag sa akin ng Inang. Simula bata pa ako ay yan na ang nadidinig kong tawag  nya sa akin hanggang sa ako'y tumanda na ngayon. Kahit medyo malayo sa tunay kong palayaw ang tawag nyang yon sa akin ay wala naman problema kasi may lambing akong nararamdaman kapag tinatawag nya ako sa ganoong pangalan.

Sa pagkakaalam ko, kapag tinawag na Inang ang isang tao ay nangagahulugan o katumbas iyon ng lola. [Tatang naman para sa lolo.] Ganito yata ang naging gawi ng mga Tagalog. Ang mga magulang ko po ay galing ng Bulacan.

Sa Maynila talaga kami ipinanganak na magkakapatid. Ngunit nang ako ay 6 years old pa lang ay nagdesisyon ang aking mga magulang na bumalik sa kanilang bayang sinilangan since nalipat ang tatay ko sa branch ng kanyang pinapasukan na mas malapit sa Bulacan. Pero hindi naglaon, makalipas ang 3 buwan, ipinatawag muli ang tatay sa Maynila at doon na muli magri-report. [Hasus!]

At dahil nga doon ay sa Bulacan na kami nag-elementarya at high school na magkakapatid. [Lahat kami ay sa Maynila na muli nagsipag-college] Dahil nga wala naman talaga kaming bahay doon ay sa matandang bahay ng motherside ko kami nakitira. Okay naman, hindi naman nakakatakot [ngunit sa panahon na yon ay nagpasimula na ang tatay sa pagpapagawa ng sarili namin bahay, hindi ko lang alam nung una kung saan]. Ngunit tila yata medyo warfreak ang aking inay. Nakaaway nya ang kanyang tiyuhin dahil sa..dahil sa..sampayan! Opo, tama kayo ng basa. Sampayanan nga ang kanilang pinag-awayan. Hindi sila nagkasundo kung hanggang saan ang hangganan ng bawat isa. Pero medyo madamot lang talaga ang tiyuhin nya, hindi naman sila naglalaba ng araw na iyon e ayaw pa maki-amot ng konting space. He2..

Simula noon ay naging iwas na kami sa tiyuhin ng inay pero konting tiis lang ang nangyari dahil natapos na rin ang ipinagawang bahay ng tatay. Ang kinatirikan pala ng ipinagawang bahay ng tatay ay katapat ng matandang bahay nila. At noon ko nakilala ang Inang..

Ang Inang ay lola ko sa tatay ko. Mapagmahal ang inang. Balingkinitan na babae lang at sa aking wari ay hindi sya tataas ng 4'11”. Pala-ngiti ang Inang. Lubos namin syang nakilala nang naging madalas ang aming pagkikita at pagsasalu-salo dahil noon ay nagsisikap din ang nanay sa pagbebenta ng Tupperware, Triumph at Avon para na din makatulong at makadagdag sa kita ng tatay.

ITUTULOY..

No comments:

Post a Comment