FOREWORD: I was originally going to post one of my earlier written pieces. Pero hindi daw pwede magsaksak ng unauthorized USB sa laptop ng sister ko kaya I decided to work on this one instead.
Ang taong babanggitin dito ay isa sa mga taong pinakamamahal ko. Isang taong literal na kadikitang-bituka ko noong ako nasa sinapupunan pa lang n'ya. Ang taong tinutukoy ko ay aking nanay.
In this month of May ay isini-celebrate ang Mother's day at nagkataon din na birth month n'ya.
So, without any further ado, here is part 1 of my written piece for my mother.
[Take note! Impromptu ito! So pagpasensyahan n'yo na lang pero sana magustuhan n'yo pa din. Oops, hindi na pala "without any further ado" ito, nagsalita pa kasi ako e. He2..]
-------------------------
Hello there!
UziBEKI: You look at the camera when you say "hello there.." (mimicking Kris' and Bimby's conversation in a Nido commercial)
Hay naku, nakikialam na naman itong dalawa na ito. Pwede ba ako muna ang mag-kwento? Kung okay lang sa inyo?!
UziBEKI: Okay kuya, sorry.. Please continue..
Take 2.

Hello there!
Birthday ng nanay kahapon (Biyernes, May 20). Nung una ay balak ko s'yang sorpresahin ng maaga kong pagdating. [Oo, Biyernes kahapon pero wala kami pasok - forced leave]. Ngunit yun naman pala ay ako ang masosorpresa kasi nagluto na sila - kasama ang isa kong tiyahin at pinsan - ng handa ng nanay. Tinanong ko s'ya kung bakit nagluluto na sila ng pagkain. Ang sagot sa'kin ay "s'ympre, ngayon ang birthday ko!".. Isang malutong na "ngak!" na lang ang aking naisagot.
Ang totoo n'yan, ang pagkakaalam ko kasi ay gusto n'yang umuwi ng Bulacan ng Sabado - which is today; and we are already here, he2.. Ang pagkakaintindi ko ay dito s'ya magluluto. Mali pala ako. Buti na lang at hindi pa ako patay ngayon. Kasi di ba ang sabi nila ay marami ang namamatay sa maling akala?! LOL
So, nandito na nga kami ngayon sa hometown ng parents ko. Mga 30-45 minutes outside of Metro Manila. May bahay kami dito na ipinagawa ng aking mabuting ama. Ang bahay naman sa Maynila ay siya rin ang nagpatayo pero inuupahan lang namin ang lupa. Mas malaking di-hamak ang lupa at bahay dito sa Bulacan at mas tahimik kaysa sa Maynila.
[Saglit na natigil ang aking pagsusulat nang biglang may kumalabog na mangga sa bubong namin. Hindi ako natakot pero nagulat; magugulatin kasi ako. Pumasok na lang ako sa loob ng aming bahay upang doon ipagpatuloy ang aking pagsusulat.]
May 20, 1960 nang ipanganak sa mundong ito ang aking nanay. Nakakita ako ng lumang litrato ng aking nanay nang s'ya ay maliit pa lang. Makikitaan na ng kagandahan ang aking nanay simula noong bata pa lang s'ya (naks! s'yempre, support your own nga di ba? he2..). Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, sa edad na tatlong taong gulang ay maagang naulila ang aking nanay. Namatay ang kaniyang ina dahil sa breast cancer at a couple of years ay sumunod naman ang kaniyang ama dahil na rin siguro sa labis na pagdamdam sa pagyao ng kaniyang kabiyak (sh*t! bakit ako naiiyak?! nakanamp*ta!).
Ngunit nagpatuloy ang laban ng buhay ng aking nanay. Fortunately, relatives on her mother side took good care of her. Inalagaan, binihisan, pinakain at pinag-aral. Marahil ay yun din ang nagbigay inspirasyon sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay na ibinigay sa kanya ng Diyos thru her mother and father. Kumbaga, para sa ating mga Pinoy - hangga't may hininga, my laban!
Maliit na babae lang ang aking nanay; siguro ay mga 5' flat lamang s'ya. Maputi; balingkinitan; bilugan na mata; matangos ang ilong. Laging gusto n'yan ay "in" s'ya sa uso. Natatandaan ko pa nga na noong maliliit pa kami - yan ay talagang nagpapatahi pa yan ng damit sa mananahi na iginaya sa mga damit ng artista na nakikita n'ya sa TV. Kahit magpahanggang ngayon! Yung mga iilang mga usong brand ng damit o accessories ay meron s'ya! Yun nga lang, medyo namumulubi kami ng tatay at mga kapatid ko kasi sa'min s'ya nagpapabili. He2.. [Pero okay lang yun ma. Maliit na pabuya lamang yan kapalit sa pag-aarugang ibinigay mo sa'min.] (hay, napapaiyak na naman ako..)
Mapagmahal ang nanay pero hindi kunsintidor. Kapag may pagkakamali s'yempre magagalit yan. Pero kapag "very good" naman ay iaacknowledge naman n'ya ito. Sa bawat step of the way namin magkakapatid ay andyan s'ya palagi. Kahit ngayon nga na nasa "legal age" na kaming magkakapatid ay andyan pa rin s'ya sa tabi namin na handang tumapik sa aming balikat bilang senyales na "kung kailangan mo ako, andito lang ako anak..".
TO BE CONTINUED..
No comments:
Post a Comment