Eto halos kauuwi ko lang ng apartment. Dito sa [Sto. Tomas] Batangas ako nag-aapartment. Hindi naman gaanong kalayuan sa aking pinagtatrabahuhan. Mas madali s'yempre kung may dalang sasakyan. He2..
Kahapon pa masakit ang aking tiyan. Oo, tama kayo ng basa - masakit ang aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit nga ba eksaktong nagkaganito ang takbo ng aking tiyan. Pero ang naiisip ko lang na pinakamalapit na dahilan ay ang mga sumusunod:
2. Naubusan ako ng [mineral] water sa bahay; sarado ang binibilhan ko ng nasabing tubig; kung kaya't bagkus bagaman datapuwa't (LOL) hindi ako makabili ng iinuming tubig
3. Dahil walang tubig, puro RC at Pop cola ang aking tinira kahapon para ipanulak sa lahat ng aking kinain
4. Yosi lang ako nang yosi kahapon
5. [Disclaimer: Hindi ko alam if valid hypothesis pa ba ang susunod kong dahilan..LOL] Tutok na tutok ako sa TV buong maghapon
6. [Disclaimer: Mas lalong hindi ko alam if valid hypothesis pa ba ang susunod kong dahilan..LOL] Nag-um-ah-um-ah-ah kami ni partner kahapon
Ayan ang aking mga ginawa kahapon. Ang sa palagay ko lang - maaaring valid pa ang #s 1-4 dahil sa taba ng #1 at acid na na-produce ng #s 2-4. Ay ewan! Hindi ko alam! Hindi ako doktor pero malamang-lamang ay yan nga ang nangyari. He2..
Hay..buhay..
Hanggang ngayon nga ay masakit pa rin ang aking tiyan. At yan ang dahilan kung bakit hindi ako makapag-concentrate na ituloy ang kwento ng aking nanay. Hindi naman sa hindi ako inspired sa subject pero gusto ko sana ay maganda ang kalabasan ng ending ng aking salaysay.
Paano yan?! Alas-siete na ng gabi (Philippine time), kailangan nang gumalaw-galaw para sa hapunan. Kailangan ma-impress si partner para may um-ah-um-ah-ah uli.. LOL
Goodbye for now; see you soon bloggers!
-------------------------
SINGIT!!! Hinihintay ko pala mga comments n'yo if ano ang gusto n'yong i-kwento ko. Pero 'wag naman mga 'tol ang "under the sheets". Hindi ko [a kayang i-kwento 'yun dito. Rated PG muna tayo. Isang buwan pa lang.. Hintaying n'yo na lang next month! LOL S'ya! Sige! Ciao!

No comments:
Post a Comment