Thursday, July 07, 2011

Handbook for Life (Part 1 of 4)

I came across this posting in our company bulletin board that enumerates 40 things or tips on the quote Handbook for Life unquote. I do not necessarily know where this article came from but it seemed interesting and promising to me. I thought of sharing it to you guys; malay n'yo, may mapulot kayo na pwedeng i-apply on your daily lives.

The article has 4 main focus or topics. I opted to present it in 4 parts para hindi naman masyado mahaba ang kalabasan ng bawat blog entry. The topics are: Health, Personality, Society & Life. And for the first part – Health:

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HANDBOOK FOR LIFE
Author: Unknown

On Health:

  1. Drink plenty of water.
[COMMENT: Lahat naman siguro sa atin ay umiinom ng tubig di ba?! So, hindi na mahirap para isakatuparan ang #1 tip. Pero may kakilala ako'ng tao na preferred uminom ng sodas kaysa sa tubig – 'yung partner ko! LOL.. Bibi (term of endearment namin) ayan ha, more water less sodas na from now on. Please. I love you!]

  1. Eat breakfast like a king, lunch like a prince, and dinner like a beggar.
[COMMENT: It is said that breakfast is the most important meal of the day. Kaya ako, I don't skip breakfast meals. Pero parang sira yata ako nang konti sa tip na ito kasi prince lang ang aking breakfast at ang lunch ang aking king. Hehe.. Pero grabe ha!? Ang lakas maka-beggar ng dinner. Haysus! LOL]

  1. Eat more foods that grow on trees and plants and eat less food that is manufactured in plants.
[COMMENT: Oo na, alam naman siguro ng lahat ng Pinoy yang fact na yan. Pero sabi nga nila di ba?! “Masarap ang bawal..” LOL..]

  1. Live with 3 Es – Energy, Enthusiasm, and Empathy.
[COMMENT: Just like saying - “I'm ALIVE, ALERT & ENTHUSIASTIC.”

  1. Make time to practice meditation, yoga, and prayer.
[COMMENT: I always pray, especially at night. I pray to thank the Lord and ask for guidance whenever I feel I'm vulnerable.]

  1. Play more games.
[COMMENT: Gaano pa ba kadaming games ang gusto nilang ipalaro sa atin?! Ha?! LOL.. Pero (flirty) guys hindi ito love games ha!?! Masakit makasakit ng kapwa lalo na kapag paglalaro sa puso ang pinag-usapan. The “game” that was pertained here is physical activities – running, biking, hiking, et c. Siguro be more physically active ang sinasabi nitong tip na ito.]

  1. Read more books than you did last year.
[COMMENT: Okay, we all try. Hindi naman sinabing you have to finish 365 books in a year di ba?! Ang sinabi lang e MORE so safe tayo. Make reading enjoyable!]

  1. Sit in silence for at least 10 minutes each day.
[COMMENT: Love this one! Haha.. This is one of my natural talents (as per my partner). Kaya ko talagang hindi makipag-usap sa 1 tao kahit magkatabi pa kami. Nagagalit na nga s'ya minsan e. Hehe.. Ayun guys, moment of silence daw, parang library lang. Hehe..]

  1. Sleep for 7 hours (or more).
[COMMENT: Ay, 'wag mo ako'ng hamunin sa tulugan! Kaya kitang sabayan! LOL.. Pero sabi ni ate Vi (Star for All Seasons) ay 6 hours lang daw ang tine-take n'ya, mas magaan daw sa pakiramdam n'ya. Sundin ko nga si ate Vi! Haha..]

 
  1. Take a 10-30 minutes walk every day.. and while you walk – smile.
[COMMENT: Hindi ba tayo magmumukhang siraulo dito?! Naglalakad with full smile?! Double effort lang ha!? LOL.. Anyway, what is just means to say is – do it with a happy thought. Mas masaya ang buhay kapag walang iniisip na problema. Biruan pa nga ang “hayaan mong problema ang mamroblema..” Di ba?! Hehe..]
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

There you have it guys. I hope you can get something out of it. These are just simple things that each and everyone of us can do everyday. Next time yung part 2 – Personality.

Have a great day everyone! Think of happy thoughts!

Wednesday, May 25, 2011

Ang Inang [Part 3 of 3]

Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam muna kami at lumipat na sa aming bahay para makapagayus-ayos. Mga ilang sandali pa ay dumating na ang tatay mula sa trabaho. Hapunan na at hindi pa rin daw makakain ang Inang. Noon na sya nag-decision na dalhin na ang Inang sa ospital at doon ipatingin kung ano nga ba ang tunay na lagay ng Inang. Miyerkules noon e, akalain mong Biyernes nga pala ay birthday pa ng Inang. Idinadalangin namin na sana ay maabot pa nya ang kanyang kaarawan..

Miyerkules..

Huwebes..

Biyernes.. Happy birthday Inang! Halos lahat ng anak ng Inang ay pumunta sa ospital. Nagdala na lang kami ng lutong pagkain sa ospital. Spaghetti, lumpiang shanghai, puto at kutsinta na sikat sa aming bayan, Coca-Cola products at ice cream. Yes! Ang sarap ng handa ng Inang! Kainan na! He2.. Ang mga chikiting nagkukulitan at nagtatakbuhan; ang mga dalaga at binata pa-text-text lang; at ang mga (ehem!) may edad na ay nagkwekwentuhan. Isang napakasayang okasyon sa isang malungkot na kondisyon. Hay..

Naibahagi ko sa inyo ang kwentong ito para ipakilala sa inyo ang isa sa mga malalapit na tao sa buhay ko. Hanggang sa oras na ito ng aking pagsusulat ay kasama pa rin namin ang Inang – salamat sa Dyos!

Though it may be a cliché, ang kwentong ito ay nagtuturo sa atin ng mga aral na dapat kasama natin hangga't maaari sa lahat ng oras ang mga taong minamahal at pinapangalagahan natin..

Kahit tanggap namin kung ano ang mangyayari, still, ipinaglaban pa rin namin ang Inang. We never gave up hope on her. Kasi mahalaga s'ya sa amin; mahal namin ang Inang..

WAKAS..

Ang Inang [Part 2 of 3]

Mabait ang Inang at mapagpasensya sa amin [pero mababait naman talaga kaming magkakapatid; hindi mahirap mahalin dahil may breeding]. Hindi nya ako nasigawan kahit ang kulit-kulit ko at parang kiti-kiti noong bata pa ako. Tandem pa nga kami nyan e. Sya ang nagtataboy sa mga batang kalaro ko kapag nakikita nyang natatalo na ako sa mga larong kalye. Madaya?! E ano!? Mahal ako ng Inang e! He2..

Talagang kapag may away-pinsan, ako lagi ang napapanigan ni Inang dahil ang pagkakakilala nya sa amin ay sobrang tahimik at mabait. [Best actor na yata ako bata pa lang ako. Walang kokontra! Ha3!] Kaya ayun, nung minsan na hindi pa nakakarating sa pinangyayarihan ng away ang Inang ay tiyumempo ang pinsan ko. Feeling nya ay sya si Wolverine at [Kids, don't try this at home. Ha3!] ginuhitan nya ang aking gwapong (ehem!) mukha. Waaah! Nabigla talaga ako noon. Napaiyak talaga ako sa sobrang sakit. Medyo huli na ang Inang kaya't ang nagawa na lang nya ay matampal sa kamay ang aking pinsan. [Belat! Akala mo ha!? Buti nga!] Kahit masaya ako na ako ang kinampihan ng Inang ay hindi pa din maitatago ang pisikal na sakit na aking nararamdaman. Hu3.. Madami pang mga pagkakataon na ipinakita ni Inang ang pagmamahal (o pagka-bias nya sa akin) sa mga sumunod pang pagkakataon. Basta ang naaalala ko lang, wala talgang pagkakataon na nasigawan ako ng Inang.

Kaya ko naisulat at naibahagi ang kwento tungkol kay Inang ay dahil nakatanggap ako ng isang napakalungkot na balita noong nakaraang linggo lang..

[BlackBerry chime]

“Anak, pwede ka bang mag-half day? Uwi ka na muna kasama sa amin sa Bulacan. Ikaw na lang ang hindi nakakadalaw sa inyong magkakapatid sa Inang. Mahina na ang matanda anak.”

Sa pagkakatanggap ko ng text ng iyon ay nalungkot ako bigla. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mensahe ng aking inay. Nakukwento na din dati sa akin ng inay na madalas magkasakit ang Inang pero lahat iyon ay nalalagpasan naman nya.

Dali-dali akong nagpaalam sa aking supervisor (kasi ASSISTANT supervisor pa lang ako) at aking manager na kung maaaring payagan nila ako na lumiban sa trabaho ng ilang araw upang madalaw ang aking Inang dahil nga sa kondisyon nya. Hindi naman sila nagmaramot dahil likas na talaga sa ating Pinoy ang pagkakaroon ng close family ties. Basta pamilya na ang pinag-uusapan malambot ang puso nating mga Pinoy.

Dali-dali kong iniligpit ang aking mga gamit sa opisina at umuwi muna ng apartment upang makakuha ng ilang mga damit. Pagkatapos makapag-empake ay nag-abang na ako ng bus paluwas ng Maynila; dun ako hihintayin ng mga inay upang sabay-sabay na kaming umuwi ng Bulacan.

Pagdating nga ng Bulacan ay ibinaba lang namin ang aming mga dala-dalahin at nagtungo na kami sa matandang bahay kung nasaan ang Inang. Ako'y nanlumo sa aking nakita. Bumagsak ang katawan ng Inang. Halos nangalahati ang katawan nito. Hindi na raw makakain ang Inang. Maski daw liquid food ay hindi na makain ng Inang.. Hindi ko alam kung papaanong itatago ang lungkot sa aking mga mata. Ayaw kong makita nila ang lungkot upang patuloy silang bigyan ng lakas para lumaban; para patuloy na magdasal para sa pagbalik ng dating sigla ng Inang.

ITUTULOY..

Ang Inang [Part 1 of 3]

PAUNANG-SALITA: This is the 3rd piece that I've written prior to putting up this blogsite. This piece talks about a person that I hold close to my heart. In time of writing, this person was still with us, fighting for her life, survival. But sadly, on this time of posting, the person isn't with the family anymore. She's with our Creator..

Inang, we miss you..

I hope everybody enjoys this piece..

-------------------------

Harriet Beecher Stow: “Never give up, for that is just the place and time that the tide will turn.”

Naghanap ako kay Mr. Google kung ano ang magandang maging proverb (please read the sentence above) para sa kwento ko na ito. Pasensya na mga kababayan kung medyo magseseryoso ako sa ikatlong kwento ko. Alam ko medyo bitin ang ikalawa pero gusto ko talaga isingit ito:

“Aste! Aste!” yan ang tawag sa akin ng Inang. Simula bata pa ako ay yan na ang nadidinig kong tawag  nya sa akin hanggang sa ako'y tumanda na ngayon. Kahit medyo malayo sa tunay kong palayaw ang tawag nyang yon sa akin ay wala naman problema kasi may lambing akong nararamdaman kapag tinatawag nya ako sa ganoong pangalan.

Sa pagkakaalam ko, kapag tinawag na Inang ang isang tao ay nangagahulugan o katumbas iyon ng lola. [Tatang naman para sa lolo.] Ganito yata ang naging gawi ng mga Tagalog. Ang mga magulang ko po ay galing ng Bulacan.

Sa Maynila talaga kami ipinanganak na magkakapatid. Ngunit nang ako ay 6 years old pa lang ay nagdesisyon ang aking mga magulang na bumalik sa kanilang bayang sinilangan since nalipat ang tatay ko sa branch ng kanyang pinapasukan na mas malapit sa Bulacan. Pero hindi naglaon, makalipas ang 3 buwan, ipinatawag muli ang tatay sa Maynila at doon na muli magri-report. [Hasus!]

At dahil nga doon ay sa Bulacan na kami nag-elementarya at high school na magkakapatid. [Lahat kami ay sa Maynila na muli nagsipag-college] Dahil nga wala naman talaga kaming bahay doon ay sa matandang bahay ng motherside ko kami nakitira. Okay naman, hindi naman nakakatakot [ngunit sa panahon na yon ay nagpasimula na ang tatay sa pagpapagawa ng sarili namin bahay, hindi ko lang alam nung una kung saan]. Ngunit tila yata medyo warfreak ang aking inay. Nakaaway nya ang kanyang tiyuhin dahil sa..dahil sa..sampayan! Opo, tama kayo ng basa. Sampayanan nga ang kanilang pinag-awayan. Hindi sila nagkasundo kung hanggang saan ang hangganan ng bawat isa. Pero medyo madamot lang talaga ang tiyuhin nya, hindi naman sila naglalaba ng araw na iyon e ayaw pa maki-amot ng konting space. He2..

Simula noon ay naging iwas na kami sa tiyuhin ng inay pero konting tiis lang ang nangyari dahil natapos na rin ang ipinagawang bahay ng tatay. Ang kinatirikan pala ng ipinagawang bahay ng tatay ay katapat ng matandang bahay nila. At noon ko nakilala ang Inang..

Ang Inang ay lola ko sa tatay ko. Mapagmahal ang inang. Balingkinitan na babae lang at sa aking wari ay hindi sya tataas ng 4'11”. Pala-ngiti ang Inang. Lubos namin syang nakilala nang naging madalas ang aming pagkikita at pagsasalu-salo dahil noon ay nagsisikap din ang nanay sa pagbebenta ng Tupperware, Triumph at Avon para na din makatulong at makadagdag sa kita ng tatay.

ITUTULOY..

Tuesday, May 24, 2011

Acid

What's up bloggers?!

Eto halos kauuwi ko lang ng apartment. Dito sa [Sto. Tomas] Batangas ako nag-aapartment. Hindi naman gaanong kalayuan sa aking pinagtatrabahuhan. Mas madali s'yempre kung may dalang sasakyan. He2..

Kahapon pa masakit ang aking tiyan. Oo, tama kayo ng basa - masakit ang aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit nga ba eksaktong nagkaganito ang takbo ng aking tiyan. Pero ang naiisip ko lang na pinakamalapit na dahilan ay ang mga sumusunod:

1. Umaga at gabi ay lechon kawali ang aking ulam

2. Naubusan ako ng [mineral] water sa bahay; sarado ang binibilhan ko ng nasabing tubig; kung kaya't bagkus bagaman datapuwa't (LOL) hindi ako makabili ng iinuming tubig

3. Dahil walang tubig, puro RC at Pop cola ang aking tinira kahapon para ipanulak sa lahat ng aking kinain

4. Yosi lang ako nang yosi kahapon

5. [Disclaimer: Hindi ko alam if valid hypothesis pa ba ang susunod kong dahilan..LOL] Tutok na tutok ako sa TV buong maghapon

6. [Disclaimer: Mas lalong hindi ko alam if valid hypothesis pa ba ang susunod kong dahilan..LOL] Nag-um-ah-um-ah-ah kami ni partner kahapon

Ayan ang aking mga ginawa kahapon. Ang sa palagay ko lang - maaaring valid pa ang #s 1-4 dahil sa taba ng #1 at acid na na-produce ng #s 2-4. Ay ewan! Hindi ko alam! Hindi ako doktor pero malamang-lamang ay yan nga ang nangyari. He2..

Hay..buhay..

Hanggang ngayon nga ay masakit pa rin ang aking tiyan. At yan ang dahilan kung bakit hindi ako makapag-concentrate na ituloy ang kwento ng aking nanay. Hindi naman sa hindi ako inspired sa subject pero gusto ko sana ay maganda ang kalabasan ng ending ng aking salaysay.

Paano yan?! Alas-siete na ng gabi (Philippine time), kailangan nang gumalaw-galaw para sa hapunan. Kailangan ma-impress si partner para may um-ah-um-ah-ah uli.. LOL

Goodbye for now; see you soon bloggers!

-------------------------

SINGIT!!! Hinihintay ko pala mga comments n'yo if ano ang gusto n'yong i-kwento ko. Pero 'wag naman mga 'tol ang "under the sheets". Hindi ko [a kayang i-kwento 'yun dito. Rated PG muna tayo. Isang buwan pa lang.. Hintaying n'yo na lang next month! LOL S'ya! Sige! Ciao!

Saturday, May 21, 2011

Mama, I Love You [Part 1 of 2]

FOREWORD: I was originally going to post one of my earlier written pieces. Pero hindi daw pwede magsaksak ng unauthorized USB sa laptop ng sister ko kaya I decided to work on this one instead.

Ang taong babanggitin dito ay isa sa mga taong pinakamamahal ko. Isang taong literal na kadikitang-bituka ko noong ako nasa sinapupunan pa lang n'ya. Ang taong tinutukoy ko ay aking nanay.

In this month of May ay isini-celebrate ang Mother's day at nagkataon din na birth month n'ya.

So, without any further ado, here is part 1 of my written piece for my mother.

[Take note! Impromptu ito! So pagpasensyahan n'yo na lang pero sana magustuhan n'yo pa din. Oops, hindi na pala "without any further ado" ito, nagsalita pa kasi ako e. He2..]

-------------------------

Hello there!

UziBEKI: You look at the camera when you say "hello there.." (mimicking Kris' and Bimby's conversation in a Nido commercial)

Hay naku, nakikialam na naman itong dalawa na ito. Pwede ba ako muna ang mag-kwento? Kung okay lang sa inyo?!

UziBEKI: Okay kuya, sorry.. Please continue..

Take 2.


Hello there!

Birthday ng nanay kahapon (Biyernes, May 20). Nung una ay balak ko s'yang sorpresahin ng maaga kong pagdating. [Oo, Biyernes kahapon pero wala kami pasok - forced leave]. Ngunit yun naman pala ay ako ang masosorpresa kasi nagluto na sila - kasama ang isa kong tiyahin at pinsan - ng handa ng nanay. Tinanong ko s'ya kung bakit nagluluto na sila ng pagkain. Ang sagot sa'kin ay "s'ympre, ngayon ang birthday ko!".. Isang malutong na "ngak!" na lang ang aking naisagot.

Ang totoo n'yan, ang pagkakaalam ko kasi ay gusto n'yang umuwi ng Bulacan ng Sabado - which is today; and we are already here, he2.. Ang pagkakaintindi ko ay dito s'ya magluluto. Mali pala ako. Buti na lang at hindi pa ako patay ngayon. Kasi di ba ang sabi nila ay marami ang namamatay sa maling akala?! LOL

So, nandito na nga kami ngayon sa hometown ng parents ko. Mga 30-45 minutes outside of Metro Manila. May bahay kami dito na ipinagawa ng aking mabuting ama. Ang bahay naman sa Maynila ay siya rin ang nagpatayo pero inuupahan lang namin ang lupa. Mas malaking di-hamak ang lupa at bahay dito sa Bulacan at mas tahimik kaysa sa Maynila.

[Saglit na natigil ang aking pagsusulat nang biglang may kumalabog na mangga sa bubong namin. Hindi ako natakot pero nagulat; magugulatin kasi ako. Pumasok na lang ako sa loob ng aming bahay upang doon ipagpatuloy ang aking pagsusulat.]

May 20, 1960 nang ipanganak sa mundong ito ang aking nanay. Nakakita ako ng lumang litrato ng aking nanay nang s'ya ay maliit pa lang. Makikitaan na ng kagandahan ang aking nanay simula noong bata pa lang s'ya (naks! s'yempre, support your own nga di ba? he2..). Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, sa edad na tatlong taong gulang ay maagang naulila ang aking nanay. Namatay ang kaniyang ina dahil sa breast cancer at a couple of years ay sumunod naman ang kaniyang ama dahil na rin siguro sa labis na pagdamdam sa pagyao ng kaniyang kabiyak (sh*t! bakit ako naiiyak?! nakanamp*ta!).

Ngunit nagpatuloy ang laban ng buhay ng aking nanay. Fortunately, relatives on her mother side took good care of her. Inalagaan, binihisan, pinakain at pinag-aral. Marahil ay yun din ang nagbigay inspirasyon sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay na ibinigay sa kanya ng Diyos thru her mother and father. Kumbaga, para sa ating mga Pinoy - hangga't may hininga, my laban!

Maliit na babae lang ang aking nanay; siguro ay mga 5' flat lamang s'ya. Maputi; balingkinitan; bilugan na mata; matangos ang ilong. Laging gusto n'yan ay "in" s'ya sa uso. Natatandaan ko pa nga na noong maliliit pa kami - yan ay talagang nagpapatahi pa yan ng damit sa mananahi na iginaya sa mga damit ng artista na nakikita n'ya sa TV. Kahit magpahanggang ngayon! Yung mga iilang mga usong brand ng damit o accessories ay meron s'ya! Yun nga lang, medyo namumulubi kami ng tatay at mga kapatid ko kasi sa'min s'ya nagpapabili. He2.. [Pero okay lang yun ma. Maliit na pabuya lamang yan kapalit sa pag-aarugang ibinigay mo sa'min.] (hay, napapaiyak na naman ako..)

Mapagmahal ang nanay pero hindi kunsintidor. Kapag may pagkakamali s'yempre magagalit yan. Pero kapag "very good" naman ay iaacknowledge naman n'ya ito. Sa bawat step of the way namin magkakapatid ay andyan s'ya palagi. Kahit ngayon nga na nasa "legal age" na kaming magkakapatid ay andyan pa rin s'ya sa tabi namin na handang tumapik sa aming balikat bilang senyales na "kung kailangan mo ako, andito lang ako anak..".

TO BE CONTINUED..

Wednesday, May 18, 2011

Ang Kilala Kong Si Ako [Part 2 of 2]

Subtitle: Kapwa Ko Mahal Ko


CONTINUATION..


Sabi nga ng (loveable at papa-ble kong) bestfriend nung college – [and I quote] “chickboy – pwede sa chick, pwede sa boy..” [unquote]. Syempre nung moment na sinabi nya sa akin yan ay natawa ako; ngunit may kaba na rin akong naramdam nun. Kumbaga, ngiting aso lang ako nun. (Ikaw ba naman ang magka-bestfriend na campus crush at tignan natin kung hindi mamilipit ang buong katawan mo sa pagtatago sa closet. Hay naku.. Amp!) (LOL)


Bisexual; kasi kapag nadinig ko yung gay ay yun yung mga ladlad na talaga. Yung mga tipong nagdadamit-pambabae; yung mga naggugupit sa parlor; tinatawan-tawanan at tinutukso-tukso ng mga bata. Sadly, may mga nangyayari talagang ganun. (Hay..buhay..) So, hindi ko nga sinasabing gay ako, kundi bisexual. Yan naman ang mga taong closet-a. Dindo sa umaga, Dindi sa gabi. LOL Yan ang mga taong nakadamit panlalaki pa din pero paminsan-minsan (yung iba kadalasan) kapag sinusumpong ay lawit ni Adan ang hanap. Ha3!


Hindi ko alam kung paano nagsimulang naging ganito ako. Basta ang alam ko lang – masaya at nakakatakot ang ganitong buhay. [Dahil nga hindi ko pa naaamin sa pamilya ko kaya nakakatakot.] Masaya pa rin dahil may nagmamahal pa rin. Kahit ganito ako. Kahit kapwa ko (lalaki) mahal ko.


THE END





-------------------------


NOTE: Dapat sana ay magkukwento ako kahit ng mga maliliit na detalye ng aking buhay dito sa particular blog na ito kaya inilagay ko ang title na “Ang Kilala Kong Si Ako”. Ngunit sa kakulitan nila Issu-sera at UziBEKI hindi ko na nagawang ituloy pa dahil nagambala na nila ang aking utak at na-disarray na ang mga dapat kong ikukwento. Pero sana ay nagustuhan nyo pa rin ang aking entry ngayon. Hanggang sa muli!


-------------------------


POST DISCUSSION NG 2 MAPAPEL (LOL!!!):


            Issue-sera: Ano ba yan girl!? Tayo pa ang sinisi ni kuya..
            UziBEKI: Ewan ko nga ba dyan!? Buhusan ko kaya yan ng malamig na tubig in public para once and for all ay magkaalaman na! Hitsura! Hmp!
            Issue-sera: Uy girl, wag naman ganun. Baka mamaya hindi na tayo nyan payagan mag-guest sa blog nya.
            UziBEKI: E ano?! Gumawa na lang tayo ng sarili nating blogsite. Chos! LOL
            Issue-sera: Wag na..maki-ride na lang tayo kay kuya..
            UziBEKI: Ay!!! Ride!!!
            Issue-sera: (nabingi sa tili ni UziBEKI)
            UziBEKI: Si kuya ba!? Sigeeeee…i-rrrrrrrriddeeeee natin si kuyaaaaaa…kuyaaaaaa, wag powwwwww…aaaahhhhh..
            Issue-sera: Uy girl ano ka ba!? Ang landi mo! Tumayo ka nga dyan! Napakahalay mo!
            UziBEKI: E tignan mo naman girl, in fairness, yumminess naman din si kuya..aaaahhhhh..
            Issue-sera: Wag ka ngang ganyan! Manahimik ka. Baka mamaya madinig pa tayo nyan e.
            UziBEKI: Hay..sya, sige! Dahil intrimitida ka – alamin mo at hanapin kung sino ang tinutukoy ni kuya na bestfriend nya!
            Issue-sera: Ha!? Bakit ako?!
            UziBEKI: E intrimitida ka kasi e! Nakikita nang nagnanasa pa ang tao e binabasag mo ang trip ko! Gusto mo basagan ng trip?! Yan ba ang gusto mo?!
            Issue-sera: Uy girl wag ka na magalit.. Sya, sorry na.. I won’t make basag-basag na your trip the next time.. Promise.. (making a promise hand gesture with matching tilting of the head)
            UziBEKI: O e anong nangyari sa iyo? Para ka namang inaatake ng epilepsy dyan?!
            Issue-sera: Wala lang.. (konyotic pronunciation & still waving promise with head still tilted)
            UziBEKI: (Dismayadong mukha) O sya, sige.. magpaalam na din muna tayo.. 1, 2, 3..
            Issue-sera & UziBEKI: (Waving goodbye..both with their head tilted) Byieeeee..


(FINAL NA TALAGANG) THE END

Ang Kilala Kong Si Ako [Part 1 of 2]

Subtitle: Kapwa Ko Mahal Ko


Ako.


Si Ako.


Oo, ako ang tinutukoy ko dyan na si ako. Ako si ako.


Nagpakilala ako sa inyo bilang si Good Boy o G*Boy [para mas maigsi]. Hindi ko muna maibibigay sa inyo ang aking tunay at buong pangalan sa kadahinalang paranoid ako. Oo, sa ipinagkalawak-lawak ng cyberspace ay napa-paranoid ako na baka may isang tao na kakilala ng kakilala ko na kamag-anak ng kapitbahay ng kaibigan ng tiyuhin na ka-facebook ng kakwentuhan sa kanto na ka-opisina ng katabi..


Issue-sera: Wait! Nahihilo na ako..
UziBEKI: Ako din girl! Nahihilo na din ako..
Issue-sera: Girl, nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?!
UziBEKI: Oo girl, ako din..eto na..!!!!
*insert* “duwal”


(Ayan! Kasi mga tsismosa kayo! Buti nga sa inyo! Pak! LOL)


..na kalaguyo ng pinsan ng yaya na ka-ek-ekan at ka-churvahan na kung anu-ano pa ng family ko. In short (shorter version) – baka kasi may kakilala ang family ko na maisumbong ang ginagawa kong pagladlad, este paglalahad dito sa cyberspace.


UziBEKI: Yun naman pala! Closet-a si kuya. Amp!
Issue-sera: Ssshhh! Girl wag kang maingay! Sige kuya, ituloy mo na ang kwento.


G*Boy: So?! Pwede na talagang ituloy ang kwento?! Sabihin nyo lang at hindi ko na itutuloy ito! Hayaan ko na lang na kayo 2 mag-chikahan dyan!? Sabihin nyo lang! Kalerky itong 2 ito!


            Issue-sera: Sige na kuya, go lang.. Go! (pabulong: Uy girl quiet muna tayo. Baka may kung “ano” pang magalit kay kuya..)
            UziBEKI: (pabulong din: Ay!!! Bet ko yan!)


(LOL)


Opo, tama po kayo. Hindi pa alam ng pamilya  ko kung ano talaga ang sexual preference ko. Hindi ko nga lang sure if hindi nila alam or kiber na lang sila na may naaamoy na pala silang malansa sa akin. Ako po ay 29 years old na [mag-30 na ngayong Agosto]..


(Oist! Gift ko?! *insert* “kindat”) (Ha3!)


..at wala pang asawa. Nung elementary, high school at college ay may mga naging uber close naman akong girl friends to the point na tinutukso kami na “kami” daw pero wala talaga ako masyadong maramdaman para sa babae.


Gay. Yan ang generic label o term na ikinakabit sa bakla (teka, Tagalog lang ata ng gay ang bakla e..), tomboy, AC/DC at drag [queen]. Some 8 or 9 years ago, nang nagsisimula akong lumandi, sinasabi kong bisexual ako. Kumbaga chickboy..


UziBEKI: Huwat?!?!?!?!?! Huwa is deyt (“that” sa English). British accent – I can’t understand you..


Nagmamadali?! May taxi ba ha?! May taxi?! Hitsura nito..


UziBEKI: *insert* “blush”


TO BE CONTINUED..

Tuesday, May 17, 2011

Second Front Page

[Subtitle: Habol sa Pahabol-Sulat]

Hello bloggers!

This marks my second entry [of blog]. I just wanted to say na nahirapan ako ng bonggang-bongga sa tuluyang pag-put up ng blogsite ko. Andyan ang trabaho – oo, matanda na ako kaya nagtatrabaho na ako; personal na buhay – syempre kailangan kumain, matulog, magyosi, uminom, umano (alam nyo na kung ano ang ano, LOL); pera – para may pambayad sa pagregister ng unlimited internet usage; family – naman, kailangan talagang dapat mabigyan ng time ang family noh; at kung anu-ano pang petty things na hindi ko na iisa-isahin kasi baka mainis na kayo sa dami kong satsat, he2.

Ikalawang pagsubok (pagsubok daw talaga oh! LOL) sa akin ay ang hindi ko mapagdesisyunan kung ano ang ipapangalan sa blog ko na ito. Opo, sa maniwala kayo o sa hindi e natagalan talaga ako sa pagpili ng pangalan ng blog ko. Tapos eto pa! Nung nakapili na ako [sige gawa..gawa..gawa..] at isesearch ko na sa Google ay may isang blogsite na kapangalan ko pa! Susmiyo! At ang nakakatawa pa – isang ecclesiastical blog (important note: I don't have anything against any religious group) pa ang kapangalan ng blog ko. Nung una carry na since mas dramatic ang dating ng sa akin kasi may mga close & open parentheses, LOL. Pero nung malaunan ay ayaw ko na talaga; and that gave birth to the present (oo na naman; present tense kasi hindi ko alam baka magbago ang isip ko at palitan ko na naman ng pangalan; future tense ba!? LOL) name of this blog.

Nga pala, maalala ko lang din mga ate at kuya – this exact blog is actually my fifth writing. Opo, pang-lima na. May nauna na akong apat. Naipost ko na yung una kong naisulat (which is first ko din na naipost). From the time of writing, it took me one & a half month to post it. Kasi nga, as explained in the first paragraph, maraming kaartehan.. este dahilan.. LOL

So, hindi ko na po pahahabain pa ito (alam nyo ba kung ano ang tinutukoy kong ito?! LOL). Enjoy the rest of my blogs on the postings. Sana patuloy nyo'ng tangkilin ang aking paglalahad ng mga paglalakbay dito sa mundo. Habang patuloy pa rin ako sa pagtuklas sa misteryo ng buhay sa araw-araw. Hanggang dito na lang; hanggang sa muli..

-------------------------

Ooops! Ayaw paawat! Please leave comment/s, suggestion/s (no question/s for now, LOL). Bahala kayo; kung sa tingin nyo na gusto kong ikwento sa inyo. Baka kasi mamaya ay naghihilik na sa inyo dyan ay hindi ko pa alam. Ha3! O sya, comments ha!? Wag kakalimutan. Thanks guys! 'Till next blog!

Pilot

Subtitle: This is the first.. finally..


I've been meaning to put up my own blog for several weeks now. Wala lang; feeling ko kasi dito pwede ibuhos ang lahat - kasiyahan, kalungkutan, takot, excitement at kung anu-ano pa.


Ayoko naman na gumawa ng blog na sobrang seryoso, ayoko din naman na sobrang maloko. Kumbaga, balance lang, steady lang, he2..


Marami-rami din naman nilalaman ang aking utak at puso; maraming opinyon sa mga bagay na sa pang-araw-araw nakikita o nadidinig. Dito sa blog na ito siguro ko mailalabas ang aking pagiging opinionated at minsan makwento.


Nung mga nakakaraang linggo, ako ay nakabasa ng mga iba't-ibang blogs. Natuwa ako at namamangha sa pagkamalikhain ng mga taong iyon sa pagsusulat. Hindi po biru-biro ang magsulat. Kailangan nga yata talaga ay pinag-aralan mo sa isang unibersidad o ikaw ay isang gifted child talaga. Maaari kasing madaming laman ang utak mo pero hindi mo alam kung papaano ito isusulat at ipararating sa tao. Hindi ko naman po sinasabing nag-aral ako magsulat o isang gifted child, ang sa akin lang - subok! He2.. But nonetheless, those blogs have been my inspiration in putting up my own.


Medyo ganito nga yata ako. Medyo competitive. Lahat ng bagay ay gustong subukan at pagtagumpayan. Kadalasan hindi nagtatagumpay pero at least ni-try ko di ba?! He2.. Pero lahat naman ng bagay na aking naumpisahan ay patuloy ko pa rin namang ginagawa at sinisikap na paghusayan. Naalala ko tuloy ang isang katagang nakasulat sa gymnasium ng unibersidad namin na pinagtapusan ko. Hindi ko na nga lang maalala ang saktong nakasulat pero ganito iyon - it's not whether you win the game, it's how you played the game. Ayos! Sakto!


Hindi ko rin naman po diretsahang sinasabi na sports lang ang aking sinubukan. Katulad nga nito, ang pagsubok sa pagsusulat, sinubukan ko din ang pagsasayaw (na capital A-yaw sa akin), pagkanta (na patuloy pa rin ako), pag-drawing (na uber sa ayaw sa akin), et al. Maaaring hindi ko napagtagumpayan ang karamihan pero at least sinubukan ko. (Malay natin sa patuloy kong pagsisikap ay mapagtagumpayan ko na. He2.. Malay natin?!)


With that reason, I hope makapagsulat ako  hindi man araw-araw ay maging regular sana. Sisikapin kong makasulat ng mga makabuluhan, nakakaaliw at kapupulutan ng aral na mga istorya halaw sa tunay na pangyayari  o kathang-isip lang (He2..). I hope marami ang magbasa ng blog ko. Lalung-lalo na ito; kasi - this is the first (blog).. finally..



-------------------------


Pahabol-sulat: Sana po lahat ay mag-enjoy sa aking mga susunod na ilalahad/ikukwento sa inyo at wala naman po sanang violent reaction. Pero kung mayroon man ay igagalang ko ang inyong mga opinyon. Lahat naman po tayo ay may kanya-kanyang opinyon; mga takbo ng utak kaya minsan medyo hindi nagkakahalintulad ang ating mga pananaw. Salamat po.