Thursday, July 07, 2011

Handbook for Life (Part 1 of 4)

I came across this posting in our company bulletin board that enumerates 40 things or tips on the quote Handbook for Life unquote. I do not necessarily know where this article came from but it seemed interesting and promising to me. I thought of sharing it to you guys; malay n'yo, may mapulot kayo na pwedeng i-apply on your daily lives.

The article has 4 main focus or topics. I opted to present it in 4 parts para hindi naman masyado mahaba ang kalabasan ng bawat blog entry. The topics are: Health, Personality, Society & Life. And for the first part – Health:

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HANDBOOK FOR LIFE
Author: Unknown

On Health:

  1. Drink plenty of water.
[COMMENT: Lahat naman siguro sa atin ay umiinom ng tubig di ba?! So, hindi na mahirap para isakatuparan ang #1 tip. Pero may kakilala ako'ng tao na preferred uminom ng sodas kaysa sa tubig – 'yung partner ko! LOL.. Bibi (term of endearment namin) ayan ha, more water less sodas na from now on. Please. I love you!]

  1. Eat breakfast like a king, lunch like a prince, and dinner like a beggar.
[COMMENT: It is said that breakfast is the most important meal of the day. Kaya ako, I don't skip breakfast meals. Pero parang sira yata ako nang konti sa tip na ito kasi prince lang ang aking breakfast at ang lunch ang aking king. Hehe.. Pero grabe ha!? Ang lakas maka-beggar ng dinner. Haysus! LOL]

  1. Eat more foods that grow on trees and plants and eat less food that is manufactured in plants.
[COMMENT: Oo na, alam naman siguro ng lahat ng Pinoy yang fact na yan. Pero sabi nga nila di ba?! “Masarap ang bawal..” LOL..]

  1. Live with 3 Es – Energy, Enthusiasm, and Empathy.
[COMMENT: Just like saying - “I'm ALIVE, ALERT & ENTHUSIASTIC.”

  1. Make time to practice meditation, yoga, and prayer.
[COMMENT: I always pray, especially at night. I pray to thank the Lord and ask for guidance whenever I feel I'm vulnerable.]

  1. Play more games.
[COMMENT: Gaano pa ba kadaming games ang gusto nilang ipalaro sa atin?! Ha?! LOL.. Pero (flirty) guys hindi ito love games ha!?! Masakit makasakit ng kapwa lalo na kapag paglalaro sa puso ang pinag-usapan. The “game” that was pertained here is physical activities – running, biking, hiking, et c. Siguro be more physically active ang sinasabi nitong tip na ito.]

  1. Read more books than you did last year.
[COMMENT: Okay, we all try. Hindi naman sinabing you have to finish 365 books in a year di ba?! Ang sinabi lang e MORE so safe tayo. Make reading enjoyable!]

  1. Sit in silence for at least 10 minutes each day.
[COMMENT: Love this one! Haha.. This is one of my natural talents (as per my partner). Kaya ko talagang hindi makipag-usap sa 1 tao kahit magkatabi pa kami. Nagagalit na nga s'ya minsan e. Hehe.. Ayun guys, moment of silence daw, parang library lang. Hehe..]

  1. Sleep for 7 hours (or more).
[COMMENT: Ay, 'wag mo ako'ng hamunin sa tulugan! Kaya kitang sabayan! LOL.. Pero sabi ni ate Vi (Star for All Seasons) ay 6 hours lang daw ang tine-take n'ya, mas magaan daw sa pakiramdam n'ya. Sundin ko nga si ate Vi! Haha..]

 
  1. Take a 10-30 minutes walk every day.. and while you walk – smile.
[COMMENT: Hindi ba tayo magmumukhang siraulo dito?! Naglalakad with full smile?! Double effort lang ha!? LOL.. Anyway, what is just means to say is – do it with a happy thought. Mas masaya ang buhay kapag walang iniisip na problema. Biruan pa nga ang “hayaan mong problema ang mamroblema..” Di ba?! Hehe..]
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

There you have it guys. I hope you can get something out of it. These are just simple things that each and everyone of us can do everyday. Next time yung part 2 – Personality.

Have a great day everyone! Think of happy thoughts!

Wednesday, May 25, 2011

Ang Inang [Part 3 of 3]

Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam muna kami at lumipat na sa aming bahay para makapagayus-ayos. Mga ilang sandali pa ay dumating na ang tatay mula sa trabaho. Hapunan na at hindi pa rin daw makakain ang Inang. Noon na sya nag-decision na dalhin na ang Inang sa ospital at doon ipatingin kung ano nga ba ang tunay na lagay ng Inang. Miyerkules noon e, akalain mong Biyernes nga pala ay birthday pa ng Inang. Idinadalangin namin na sana ay maabot pa nya ang kanyang kaarawan..

Miyerkules..

Huwebes..

Biyernes.. Happy birthday Inang! Halos lahat ng anak ng Inang ay pumunta sa ospital. Nagdala na lang kami ng lutong pagkain sa ospital. Spaghetti, lumpiang shanghai, puto at kutsinta na sikat sa aming bayan, Coca-Cola products at ice cream. Yes! Ang sarap ng handa ng Inang! Kainan na! He2.. Ang mga chikiting nagkukulitan at nagtatakbuhan; ang mga dalaga at binata pa-text-text lang; at ang mga (ehem!) may edad na ay nagkwekwentuhan. Isang napakasayang okasyon sa isang malungkot na kondisyon. Hay..

Naibahagi ko sa inyo ang kwentong ito para ipakilala sa inyo ang isa sa mga malalapit na tao sa buhay ko. Hanggang sa oras na ito ng aking pagsusulat ay kasama pa rin namin ang Inang – salamat sa Dyos!

Though it may be a cliché, ang kwentong ito ay nagtuturo sa atin ng mga aral na dapat kasama natin hangga't maaari sa lahat ng oras ang mga taong minamahal at pinapangalagahan natin..

Kahit tanggap namin kung ano ang mangyayari, still, ipinaglaban pa rin namin ang Inang. We never gave up hope on her. Kasi mahalaga s'ya sa amin; mahal namin ang Inang..

WAKAS..

Ang Inang [Part 2 of 3]

Mabait ang Inang at mapagpasensya sa amin [pero mababait naman talaga kaming magkakapatid; hindi mahirap mahalin dahil may breeding]. Hindi nya ako nasigawan kahit ang kulit-kulit ko at parang kiti-kiti noong bata pa ako. Tandem pa nga kami nyan e. Sya ang nagtataboy sa mga batang kalaro ko kapag nakikita nyang natatalo na ako sa mga larong kalye. Madaya?! E ano!? Mahal ako ng Inang e! He2..

Talagang kapag may away-pinsan, ako lagi ang napapanigan ni Inang dahil ang pagkakakilala nya sa amin ay sobrang tahimik at mabait. [Best actor na yata ako bata pa lang ako. Walang kokontra! Ha3!] Kaya ayun, nung minsan na hindi pa nakakarating sa pinangyayarihan ng away ang Inang ay tiyumempo ang pinsan ko. Feeling nya ay sya si Wolverine at [Kids, don't try this at home. Ha3!] ginuhitan nya ang aking gwapong (ehem!) mukha. Waaah! Nabigla talaga ako noon. Napaiyak talaga ako sa sobrang sakit. Medyo huli na ang Inang kaya't ang nagawa na lang nya ay matampal sa kamay ang aking pinsan. [Belat! Akala mo ha!? Buti nga!] Kahit masaya ako na ako ang kinampihan ng Inang ay hindi pa din maitatago ang pisikal na sakit na aking nararamdaman. Hu3.. Madami pang mga pagkakataon na ipinakita ni Inang ang pagmamahal (o pagka-bias nya sa akin) sa mga sumunod pang pagkakataon. Basta ang naaalala ko lang, wala talgang pagkakataon na nasigawan ako ng Inang.

Kaya ko naisulat at naibahagi ang kwento tungkol kay Inang ay dahil nakatanggap ako ng isang napakalungkot na balita noong nakaraang linggo lang..

[BlackBerry chime]

“Anak, pwede ka bang mag-half day? Uwi ka na muna kasama sa amin sa Bulacan. Ikaw na lang ang hindi nakakadalaw sa inyong magkakapatid sa Inang. Mahina na ang matanda anak.”

Sa pagkakatanggap ko ng text ng iyon ay nalungkot ako bigla. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mensahe ng aking inay. Nakukwento na din dati sa akin ng inay na madalas magkasakit ang Inang pero lahat iyon ay nalalagpasan naman nya.

Dali-dali akong nagpaalam sa aking supervisor (kasi ASSISTANT supervisor pa lang ako) at aking manager na kung maaaring payagan nila ako na lumiban sa trabaho ng ilang araw upang madalaw ang aking Inang dahil nga sa kondisyon nya. Hindi naman sila nagmaramot dahil likas na talaga sa ating Pinoy ang pagkakaroon ng close family ties. Basta pamilya na ang pinag-uusapan malambot ang puso nating mga Pinoy.

Dali-dali kong iniligpit ang aking mga gamit sa opisina at umuwi muna ng apartment upang makakuha ng ilang mga damit. Pagkatapos makapag-empake ay nag-abang na ako ng bus paluwas ng Maynila; dun ako hihintayin ng mga inay upang sabay-sabay na kaming umuwi ng Bulacan.

Pagdating nga ng Bulacan ay ibinaba lang namin ang aming mga dala-dalahin at nagtungo na kami sa matandang bahay kung nasaan ang Inang. Ako'y nanlumo sa aking nakita. Bumagsak ang katawan ng Inang. Halos nangalahati ang katawan nito. Hindi na raw makakain ang Inang. Maski daw liquid food ay hindi na makain ng Inang.. Hindi ko alam kung papaanong itatago ang lungkot sa aking mga mata. Ayaw kong makita nila ang lungkot upang patuloy silang bigyan ng lakas para lumaban; para patuloy na magdasal para sa pagbalik ng dating sigla ng Inang.

ITUTULOY..